163

Aug 24, 2019 @ 12:56
By

Miss Earth 2019 sisilaban sa Naga

Inanunsyo ng Carousel Productions na hindi sa Legaspi City kundi sa Jesse M. Robredo Coliseum ng Naga City gaganapin ang Miss Earth pageant ngayong taon.

Ayon sa Philstar.com, magsisimula umano ang mga pre-pageant event mula Oktubre 2 hanggang 18 sa Metro Manila at ibang karatig na probinsya.

Saka bibyahe ang 90 contestant sa lungsod ng Naga sa Oktubre 19, bibisita sa mga atraksiyon sa Camarines Sur, at mananatili sa probinsya hanggang sa pagtatapos ng pageant sa Oktubre 27.

Ipapalabas ang 2-hour pageant sa ABS-CBN, Oktubre 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?