172

By

Miss Earth 2018 exclusive sa GMA

Sharing is caring!

Pormal na ang kasunduan ng GMA Network at Miss Earth para sa darating na Miss Earth 2018.

GMA ang magiging official broadcast partner ng pinakamalaking beauty pageant para sa environmental awareness ngayong taon.

Ito ay matapos na opisyal na pumirma ng kontrata ang dalawang panig nitong Oktubre 8 sa GMA Network Center.

Dumalo sa contract signing sina GMA First Vice President for Program Management Jose Mari Abacan, GMA Program Management Assistant Vice President Mitzi Garcia, Carousel Productions Executive Vice President Lorraine Schuck at Vice President Peachy Veneracion.

Kasama rin nila ang Miss Earth 2018 candidates na sina Miss Earth Canada Jaime Vandenber; Miss Earth Chile Antonia Figueroa; Miss Earth England Abbey-Anne Gyles-Brown; Miss Earth Hungary Réka Lukács; Miss Earth Mauritius Kirty Sujeewon; at Miss Earth Philippines Silvia Celeste Cortes.

Ipinahayag ni Abacan ang kanyang kasiyahan sa tiwala at sa pagpili ng Miss Earth sa Kapuso Network upang i-ere ang prestihiyosong international beauty pageant.

“Natutuwa ako kasi it’s another addition to the pageants that we are actually airing here in GMA. The only thing I could tell my new partners is that you are welcome here in GMA and hopefully, this is going to be a very big and very strong partnership,” sabi niya.

Naniniwala si Miss Schuck na magiging matagumpay ang kumpetisyon ngayong taon, “We are having 90 candidates, and together we will be going around all over the Philippines to promote our eco-tourism. We have a lot in store for the viewers, and we are proud to say that we stay loyal to our advocacy, especially with our stage that is environment-friendly.”

Gaganapin ang Miss Earth 2018 coronation night dito sa Pilipinas sa Nobyembre 3, at mapapanood ang telecast nito sa GMA Network sa Nobyembre 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?