164

Oct 5, 2021 @ 18:29
By

MisOr cong tatakbong gob

Tatakbo sa pagka-gobernador si Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa darating na halalan.

Sinabi ni Uy na siya ay tatakbo upang mapabilis ang pag-unlad ng probinsya.

“We have carefully put in place the physical assets MisOr needs to grow its businesses and generate jobs. We have strongly engaged in the war to subdue COVID-19 in this part of the country,” sabi ni Uy sa isang pahayag.

Si Uy ay kasalukuyang nasa ikatlong termino na bilang kongresista.

Sinabi ng lady solon na titiyakin nito at ng kanyang grupo na pakikinabangan ng MisOr ang dagdag na pondo na makukuha nito sa pagpapatupad ng Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema.

Batay sa desisyon, mas lalaki ang makukuhang pondo ng mga lokal na pamahalaan mula sa nakokolektang buwis ng gobyerno nasyunal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?