304

By

Mismong empleyado ng PDEA, tulak ng droga

Sharing is caring!

Buking ang isang empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbebenta ng iligal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation’ sa Tacloban City.

Kinilala ni PDEA Director, General Aaron Aquino ang naaresto na si Brian Refuerzo Muldez, 36-anyos, administrative aide ng PDEA Region 8 at residente ng V@G Subd., ng nasabing lalawigan.

Sa ipinadalang press statement kahapon ng PDEA, nakatanggap umano ng impormasyon ang mga operatiba ng Tacloban City Anti-Drug Enforcement Unit kaugnay sa pagtutulak ng shabu ng suspek.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang Tacloban PNP at nang makumpirma ang pagtutulak ng suspek ay agad silang nakipag-koordinasyon sa mga operatiba ng PDEA Region 8 sa pamumuno ni Director Edgar Jubay at ikinasa ang ‘buy-bust’ dakong alas-4:28 ng hapon (September 4) sa Barangay 81, Marasbaras, at naaresto ang suspek.

Nakumpiska sa administrative aide ng PDEA ang pitong plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 1.0 gramo at nagkakalaga ng P6, 800.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa PDEA Region 8 habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic 9165 o mas kilalang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?