77

Jul 5, 2020 @ 21:12
By

Misleading! Jasmine Curtis kinontra showbiz site

Hindi nagustuhan ni Jasmine Curtis-Smith ang artikulo ng isang showbiz online site tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Sa report na may titulong ‘Jasmine Curtis-Smith told to be wary of joining groups, withdraw support for ABS-CBN’, nireklamo ng GMA actress na ‘misleading’ umano ang article.

Nilinaw ni Jasmine na suportado niya ang pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, kung saan artista ang kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Sa nasabing article, nakalagay ang panghihimok ng ilang netizen na bawiin ang suporta ni Jasmine sa ABS-CBN.

Pinag-ingat din siya sa pagsali sa mga grupo matapos lumahok sa Aktor (League of Filipino Artists) na pinangangasiwaan ni Dingdong Dantes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?