7,114

Jan 26, 2019 @ 15:27
By

Misis tumangging makipag-sex, 4-buwang gulang na sanggol ginahasa ng ama

Ginahasa umano ng isang walang pusong ama ang apat na buwang gulang niyang anak sa isang bayan sa Tarlac.

Sa ulat sa 24-Oras, lumuwas umano pa-Maynila ang ina kasama ang sanggol na biktima at nakatira ngayon sa isang shelter ng mga madre para umano makaiwas sa resbak ng kanyang kinakasama na kinasuhan niya matapos umanong gahasain ang kanilang anak.

Kuwento ng ina, niyaya umano siya ng suspek na makipagtalik pero tumanggi umano siya.

Madaling-araw umano ay biglang umiyak ang sanggol at nakita ng ginang ang ginagawa ng kanyang kinakasama rito.

Tinakot umano siya ng suspek na kapag nagsumbong ay pababayaan umano silang mag-ina.

Samantala, hihintayin umano ng kapulisan ang subpoena laban sa suspek para tugisin ito.

Sa ngayon umano ay maaaring nagtago na ang suspek dahil hindi na ito mahagilap sa kanilang tahanan.

Pursigido naman umano ang ina ng sanggol na ipakulong ang kanyang kinakasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?