35

Oct 27, 2020 @ 20:34
By

Misis tumanggi sa sex, mister sinunog bahay

Dahil lang hindi napagbigyan sa pakikipagtalik ay siniliban ng isang lalaki ang bahay ng kanyang asawa.

Kinilala ang suspek na si Narongchan Paksarom, 33, na 20 kilometro ang biniyahe para makarating sa bahay ng kanyang misis.

Pagdating dito ay saka nito sinunog ang naturang tahanan sa Buriram, Thailand.

Ayon naman sa biktima na si Ratchaneekorn Yeeram, nilayasan niya ang mister kasama ang kanilang mga anak matapos umano itong magbitaw ng masakit na salita.

Hindi rin naniniwala si Yeeram na dahil lang sa pagtanggi niya kaya nagawa ng suspek ang panununog dahil posibleng nasa impluwensya umano ito ng iligal na droga.

Sa urine test na isinagawa kay Paksarom, nakita na nagpositibo ito sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?