63

Jul 28, 2018 @ 16:01
By

Misis timbog sa ninakaw na cabinet handle

Hindi na pinatawad ng isang misis ang dalawang piraso ng cabinet handle na nagkakahalaga ng P89.00 matapos mabuking na ipinasok sa loob ng bag saka lumabas ng hardware shop kahapon sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong theft (shoplifting) sa Marikina Police ang suspek na si Isabel Constantino, 51.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente bandang alas-3:30 ng hapon sa loob ng Ace Hardware ng Ayala Mall.

Nagtungo si Philip Salazar, 23, sales assistant ng Ace Hardware sa Marikina police station para sampahan ng kaso ang suspek.

Ayon kay Salazar, napansin ng sekyu na si Reggie Diaz ang kahina-hinalang kilos ng ginang kaya sinubaybayan niya ito ng tingin.

Napansin niya na kausap nito ang promodizer na si Paul John Pama at nagtatanong kung magkano ang presyo ng cabinet handle subalit agad nitong ipinasok sa loob ng kanyang bag nang umalis ang una para tanungin ang halaga nito.

Aktong palabas na ng hardware ang suspek nang hingan ng guard ng resibo subalit walang maipakita kaya agad itong dinala sa admin office.

Kasama si Salazar at security guard na si Diaz, dinala ang suspek sa Marikina Police station para sa kaukulang kaso. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?