176

Jul 31, 2021 @ 15:10
By

Misis sinundan pumanaw na ex-Cebu gov

Dalawang linggo makalipas yumao si dating Cebu Governor Emilio Mario “Lito” Osmeña, pumanaw din ang kanyang asawang si Annette nitong Sabado.

Sa Inquirer report, sinabi ng anak ng mag-asawa na si Mariano “Mimo”, pasado alas-7:45 ng umaga namatay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon dulot ng coronavirus.

Kaya sa Facebook post nanawagan siya sa publiko na maging maingat dahil totoo aniya ang COVID-19.

“With a sad heart, I have to announce that my mom Annette has joined my dad. They would have been married 60 years this December. Now they are together forever. Please everyone be safe. This COVID-19 virus is real,” saad ni Mimo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?