377

Jan 24, 2021 @ 10:53
By

Misis sinaksak ang mister dahil sa luma nilang larawan

Inatake ng isang misis ang kanyang mister dahil inakala niyang nangangaliwa ito. ‘Yun pala, ang nakita niyang mga larawan ay kuha noong nagde-date pa sila.

Kinilala lamang ang suspek bilang si Leonora N. habang ang biktima ay si Juan N..

Sa ulat ng Yucatan Magazine noong Enero 22, sinabing nakita ng misis ang mga larawan sa cellphone ng asawa kasama ang isang “mas batang babae.”

Tapos sinaksak na ni Leonora si Juan.

Nakuha ni Juan ang kutsilyo palayo mula kay Leonora, saka siya nagpaliwanag: ang mga larawan na nakita ng misis ay mga litrato nilang dalawa noong nagde-date pa lang sila.

Dinigitize lang aniya niya ang mga larawan para mailagay sa kanyang cellphone, sabi sa ulat.

Dumating ang pulisya sa bahay ng mag-asawa matapos magsumbong ang mga kapitbahay na nakarinig ng sigawan at pagtatalo.

Samantala, inaresto na si Leonora sa Sonora, Mexico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?