21
dead-body
By

Misis pinatay sa sakal ng mister

Nauwi sa krimen ang pagsaway ng isang ginang sa kanyang asawa dahil sa walang tigil nitong pag-inom ng alak sa Sipalay City, Negros Occidental.

Nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi noong Hulyo 10 sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Camindangan.

Nagtalo umano ang biktimang si Gerly Caldito, 44, at suspek na si Francisco Caldito dahil sa pamumuna ng una sa bisyong pag-inom ng alak ng mister.

Hindi nakontrol ng suspek ang kanyang sarili at sinakal ang babae gamit ang toner belt na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang ginamit na toner belt na nasa dalawang metro ang haba.

Kusa namang sumuko sa Sipalay City PNP ang suspek matapos ang ginawang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?