soco1

Misis patay sa saksak ng lasing na mister

Sharing is caring!

Naghuhugas ng plato sa bahay ng kanyang amo nang dumating ang asawa ng isang kasambahay at nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak sa Surigao City, Surigao del Norte.

Ayon sa ulat, napatay ng suspek na si Eugenio Arot ang misis nitong si Monalisa Arot.

Dahil sa kalasingan ni Eugenio kaya nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak.

Ayon sa anak ng biktima, madalas manakit ang kanilang tatay kapag nalalasing at gumagamit din daw ito ng iligal na droga.

Humihingi naman ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa publiko na isuplong sa mga awtoridad sakaling makita ng mga ito ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?