145

Jun 28, 2019 @ 15:25
By

Misis patay, anak malubha nang mabaril ng padre de pamilya

Dead on arrival sa ospital ang isang 35-anyos na ginang habang kritikal ang kondisyon ng 3-anyos na anak nang mabaril umano ng kanilang padre de pamilya na pulis sa Tondo, Manila nitong Biyernes.

Kinilala ang misis na si Marlyn Pagar habang nasa intensive care unit ang anak nila ng suspek na si Police Corporal Lester Pagar.

Kwento ng ina ng suspek, naglilinis umano ng baril ang kanyang anak nang pumutok sa natutulog niyang asawa at anak.

Tumagos sa tagiliran ni Marlyn ang bala habang tinamaan naman sa pigi ang kanilang anak.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District Homicide Division ang suspek, na anim na taon nang nasa serbisyo at nakatalaga sa Moriones Police Station bilang intelligence officer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?