135
paolo-dut

Misis ni Paolo Duterte, tatakbo ulit na kapitana sa Davao

Sharing is caring!

Walang kalaban sa darating na barangay elections ang asawa ni dating Davao City vice mayor Paolo Duterte.

Kasalukuyang chairperson ng barangay sa nabanggit na siyudad si January Duterte, na asam na muling manalo bilang kapitana sa kanyang nasasakupan.

Konsehal noon si Paolo nang palitan siya bilang kapitan ni Lowell Curato habang naging kagawad si January.

Naupong barangay chairman si January noong Oktubre 2013 at naging pangulo pa ng Association of Barangay Captains.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?