362

Nov 5, 2017 @ 19:52

Misis ni Omar Maute nahuli sa Iligan City

Dinakip ng mga miyembro Philippine National Police Regional Office 10 kanina sa Iligan City ang isang Indonesian na asawa ng napaslang na terror leader na si Omar Maute, kasama ang anim nitong anak.

Ang pagdakip kay Minhati Midrais alyas Baby, 36, ay kinumpirma ni Iligan City Police director Senior Superintendent Leony Roy Ga sa isang press briefing kanina.

Ni-raid ng mga pulis kasama ng pwersa ng Joint Task Force Rano ang bahay ni Madrais, asawa ni Omar, kasunod ng kautusan na dakpin ang isang “Alias Baby” na kalaunan ay nakilalang si Midrais.

Nasamsam ng mga awtoridad sa bahay ni Midrais ang iba’t ibang improvised explosive devices kabilang ang apat blasting caps, dalawang detonating cords at isang time fuse.

Si Madrais ay hawak-hawak ang expired nang Indonesian passport. Ang kanyang anim na anak aay kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Sabi ni Ga, nakikipag-ugnayan na siya sa City Social Welfare and Development ng Iligan para sa pangangalaga ng mga anak ni Midrais.

Si Maute, kasama ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon ay napatay sa militar noong Oktubre 16, ilang araw bago ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liberasyon sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?