998

Misis ni Matt Evans timbog sa estafa

Pinosasan si Riza Katrina Evans ng Makati police kahapon, Disyembre 4, dahil sa kasong estafa.

Inaresto ang 32-anyos na asawa ni aktor Matt Evans sa bisa ng warrant of arrest mula sa Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A. P30,000 ang iminungkahing halaga ng pagpiyansa sa estafa.

Tungkol sa dating negosyo ni Riza ang kaso, saad ni Police Maj. Gideon Ines ng Makati City police.

Nabanggit din ng pulis na may kinahaharap ding cyberbullying case sa Cebu ang asawa ng aktor, pero nagbayad na siya ng piyansa para rito.

Matatandaang nitong Oktubre, nilantad ng mag-asawa na natangayan sila nang halos P6 milyong halaga ng luxury items, sa halos tatlong taong negosyo ng kanyang misis na reselling ng luxury goods, gaya ng designer bags at jewelries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?