162

Jan 26, 2021 @ 10:04
By

Misis ni ex-Comelec chair Abalos patay na

Yumao na si Corazon Abalos, ang asawa ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. at nanay ni MMDA chairman Benhur Abalos.

Kinumpirma ito ng kanyang apo na si Mandaluyong City Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas kagabi.

“Dear Mama Cora, my idol, my first role model. I wouldn’t be who I am without you… Mama Cora, you were strength personified. Wala ang KKM, wala ang Mandaluyong Girl Scouts, if you didn’t build its foundations. Maraming nagmamahal sa inyo dahil alam nila na minahal mo din sila,” sabi ng konsehal sa Facebook, Enero 25.

“Today you fought your last and final battle. The most courageous woman I know. Rest now, Mama. We will never be ready, I will never be prepared for you to leave us. But I know you’re there with Ciara now. No more hurt. No more pain. I love you,” dagdag niya.

Hindi tinukoy ni Abalos-Vargas ang sanhi ng pagkamatay ng lola, pero magugunitang dinapuan ng COVID-19 sina Benjamin Sr. at Corazon noong Hulyo 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?