39

By

Misis ni Coach Spo buntis sa kanilang 2nd baby

Tuloy si Filipino-American Miami Heat coach Erik Spoelstra sa pagbuo ng sarili niyang team dahil buntis muli ang kanyang asawang si Nikki sa second baby boy nila.

Masaya itong binalita ni Nikki sa Twitter, na dating Miami Heat dancer na mayroon nang sariling dance studio at retail business.

“Excited to let everyone know that Erik and I (and Santiago + Rosie!) will be welcoming another baby boy to our family later this year!” sabi ni Nikki kasama ang litrato ng kanyang ultrasound.

Lalaki rin ang panganay ng mag-asawa na si Santiago, na pinanganak noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?