135

Sep 24, 2021 @ 19:03
By

Misis ni Chito sinagot reception ng viral bride

Sumaklolo ang misis ni Chito Miranda na si Neri Naig sa viral bride na humagulgol sa labas ng reception venue matapos umanong ma-scam ng wedding coordinator sa Cebu.

Makikita sa viral video na umiiyak ang bride sa labas ng reception venue matapos masira ang kanyang kasal nang ipaalam sa kanya na walang nai-book na event sa naturang lugar.

Nangako si Neri na sasagutin ang reception ng newlywed couple.

“Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress,” saad ni Neri sa Facebook post.

“Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner @jonahcbautista. Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang @jejusamgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu,” dagdag niya.

“Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?