229

Aug 11, 2020 @ 18:33
By

Misis ni Chito Miranda, mag-aaral sa Harvard

Masayang-masaya si Neri Naig na naka-enroll na siya sa entrepreneurship course sa Harvard School online.

Sa kanyang Instagram post binahagi niya ang kopya ng kanyang course verification form.

“Ayuuuuuun! Nakatanggap din ng email from Harvard!” caption ni Naig.

“Ang sabi, ‘Welcome to Entrepreneurship Essentials! We are thrilled to have you join our community of learners.’ Wow! Thrilled daw sila! Haha! Bolero! Joke laaaang! Baka bawiin! Hihi Ok na. Sobrang saya ko na, na alam ko na pasok ako. Ang next ay sakit sa bulsa tapos sakit sa brain naman! Magbabayad ka para sumakit ang ulo mo, haha! Pero di ba ginusto mo yan?

“I am happppppy! Sobraaaa! Nakakaproud dahil kapag may ginusto ako, gumagawa talaga ako ng paraan. Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, di ba?”

Dahil dito hinikayat niya ang mga follower niya na huwag mawalan ng pag-asa.

“Everyday dapat naghahanap tayo ng mga paraan para mas matuto pa. Mag invest ka sa sarili mo. Tandaan, hindi pa huli ang lahat. Kahit anong edad mo pa,” aniya.

Si Naig ay dating aktres na kasal sa Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.

View this post on Instagram

Ayuuuuuun! Nakatanggap din ng email from Harvard! Ang sabi, "Welcome to Entrepreneurship Essentials! We are thrilled to have you join our community of learners." Wow! Thrilled daw sila! Haha! Bolero! Joke laaaang! Baka bawiin! Hihi! Ok na. Sobrang saya ko na, na alam ko na pasok ako. Ang next ay sakit sa bulsa tapos sakit sa brain naman! 😭 Magbabayad ka para sumakit ang ulo mo, haha! Pero di ba ginusto mo yan? I am happppppy! Sobraaaa! Nakakaproud dahil kapag may ginusto ako, gumagawa talaga ako ng paraan. Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, di ba? Everyday dapat naghahanap tayo ng mga paraan para mas matuto pa. Mag invest ka sa sarili mo. Tandaan, hindi pa huli ang lahat. Kahit anong edad mo pa. ❤ #HBSOnTheGo

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?