176

By

Misis ni Baron Geisler nanganak na!

Isa nang ama si Baron Geisler.

Nanganak na kasi ang asawa ng “Ang Probinsyano” actor na si Jamie Evangelista nitong Jan. 20.

Binahagi ng 37-anyos na aktor ang first child niya kay Jamie sa kanyang Instagram post.

“I’m in love,” sabi sa caption ni Baron.

Batay sa kanyang mga hashtag, Talitha Cumi ang pangalan ng baby girl nila.

Ikinasal sa isang civil ceremony noong September 2019 sina Baron at Jamie.

Isang psychologist sa rehabilitation center ang misis ni Baron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?