90

Jan 7, 2020 @ 21:30
By

Misis ng ex-Nissan boss pinaaaresto ng Japan

Nag-isyu ng arrest warrant ang Tokyo prosecutors laban sa asawa ng dating boss ng Nissan na si Carlos Ghosn.

Pinaaaresto si Carole Ghosn dahil umano sa pagbibigay ng maling testimonya sa court hearing sa Tokyo noong Abril, ayon sa BBC report.

Nakalaya ang mister niyang si Carlos matapos magpiyansa noong Disyembre 2019 saka sumama sa kanya sa Beirut, Lebanon.

Walang extradition treaty ang Japan at Lebanon.

Si Carlos ang nagpapatakbo sa car giant company na Nissan hanggang sa maaresto ito sa Japan dahil sa kasong financial misconduct na kanyang itinanggi noong 2018.

Pinagbawalan siyang makita ang misis habang nakalalaya pero nilabag niya ito at nagtungo sa Turkey bago bumiyahe pa-Lebanon sakay ng private jet kung saan naghihintay si Carole.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?