324

Jan 25, 2021 @ 21:45
By

Misis nasungkit P2B lotto jackpot sa tinayaang panaginip ni mister

Instant bilyonarya ang isang ginang matapos lumabas sa lotto ang tinayaan niyang mga numero na mula sa panaginip ng kanyang asawa may 20 taon na ang nakalipas.

“My husband had a dream about some lottery numbers 20 years ago,” kuwento ni Deng Pravatoudom sa news release ng Ontario Lottery and Gaming.

Ilang taon daw niyang inalagaan ang mga numerong napanaginipan ng kanyang mister at nitong Disyembre 1, 2020 ay nagbunga ito at nasungkit niya ang Lotto Max jackpot.

Nakubra na ni Pravatoudom, 57, ang $60 million lottery jackpot o mahigit P2 bilyon sa OLG Prize Centre sa Toronto, Canada.

Bago nanalo sa lotto, mahigit 40 taon na silang manggagawa ng kanyang mister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?