133

Nov 11, 2021 @ 22:11
By

Misis naibili ng motorsiklo si mister sa ipon challenge

Marami ang humanga sa isang ginang na dahil sa pagtitipid at pag-iipon ay naibili ang asawa niya ng NMAX na motorsiklo.

Sa Facebook ibinahagi ni Chinkee Tan ang kuwento ng mag-asawa.

Sabi ni Jho Jeremias, apat na buwan siyang nag-ipon challenge galing sa mga tubo niya mula sa pagtitinda.

“Maliit man pag naipon may pang nmax na wla po kmeng bisyo mag asawa at hindi rin kme maluho nkalimutan ko na nga kung kelan ako huling bumili ng damit na lumagpas ng 50 pesos. Kuripot in short ksi may mga bagay na pong lalaanan luho man to para sa iba pero para samin achievement to reward para sa mister kung ubod ng sipag at bait,” sambit niya.

“Lahat po to e galing sa tubo kaya mga kapwa ko online seller jan kaya natin basta pagsikapan..ako ultimo 5-10 na tubo hindi ko tlga ginagalaw kasi sariling pera ko na un e. Pra sa mga bagay na gusto kong pag ipunan. ipon ulit,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,