77
ABANTE jail arrested drug ops bacoor
By

Misis na buntis, mister huli sa Taguig buy-bust

Posibleng sa kulungan na abutan ng panganganak ang isang ginang makaraang maaresto kasama ang kaniyang mister sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ashary Ampaso Mangondaya, alyas Alex; at Hapida Abdul Sultan.

Nadakip sila sa open parking ng Sunshine Mall Plaza na nasa DBP Ave., FTI Complex pasado ala-una ng tanghali.

Nabatid na kasama pa ng ng mag-asawa ang 1-taong gulang na anak nila nang makipagtransaksyon ang mga ito sa mga awtoridad.

Nasamsam mula sa mga suspek ang nasa 150 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Itinanggi naman ng mga suspek na sangkot sila sa bentahan ng droga at hindi rin sa kanila ang shabu na nakuha.

Pero ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, dalawang linggo na nilang tinitiktikan ang mga suspek partikular na si alyas Alex na sangkot umano sa mga drug deal.

Dinala naman sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development ang anak ng mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?