1,542

Jan 14, 2022 @ 12:48
By

Misis hinagupit 100 beses dahil pakikipagtalik sa iba; mister 15 beses

Isang misis sa Aceh sa Indonesia ang pinaghahagupit ng 100 beses matapos nitong makipagtalik sa hindi niya asawa.

Habang ang kaniya namang asawa ay nakatanggap ng 15 beses na pagla-latigo nang pabulaanan nitong may iba siyang babae.

Sinabi ng pinuno ng general investigation division sa East Aceh prosecutors office na si Ivan Najjar Alavi, binigyan ng mas mabigat na sentensiya ang babae nang aminin niya sa imbestigador na nakipagtalik siya sa ibang lalaki.

Nahirapan naman ang mga hukom na hatulan ang mister, na dating pinuno ng ahensya ng pangisdaan sa East Aceh, dahil itinanggi nito ang lahat ng kaniyang maling gawain.

Ngunit, napatunayan ng mga hukom na nagkasala ang mister dahil may kinakasama itong ibang babae.

Una siyang hinatulan ng 30 latigo ngunit ang kanyang matagumpay na apela sa Korte Suprema ng Sharia ang nagpababa sa kaniyang sentensiya sa 15.

Samantala, sa kabila ng pagkondena ng Human rights roup at pagpapatigil ng presidente ng Indonesia sa ganitong klase ng parusa, malaking populasyon pa rin sa Aceh ang sumusuporta sa nasabing parusa. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?