170

Dec 29, 2019 @ 17:44
By

Misis gustong solohin! Paul Lee kating-kati sundan ang baby

Magkakaroon kaya ng kasunod si baby Tokyo habang sa Japan?

Sa bakasyon ng pamilya ni Paul Lee sa ‘Land of the Rising Sun’ ay pinahayag nito na gusto na niyang masundan ang kanilang panganay ni Rubie Chua-Lee.

“Hindi ko magawang iwan ka kahit gustong gusto ko masolo yung mommy mo para magkaroon ka na ng kapatid,” sey ng Magnolia superstar.

“ang sarap mo kasing kasama kaya never na never kang iiwan ni daddy and mommy. Matulog ka na lang ng mahimbing mamaya Tokyo ok?” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?