23

By

Misis, anak ng pulis, 2 pa nalitson sa sunog sa Iloilo

Sharing is caring!

Nalitson nang buhay ang umanoy misis at anak ng isang pulis, habang dalawa pang senior citizen ang nasawi matapos na sumiklab ang sunog sa Barangay San Isidro, La Paz, Iloilo City, nitong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Bureau of Fire Chief Insp. Christopher Regencia, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa tahanan ni SPO2 Richard Jerapusco, at mabilis na kumalat sa ikalawang palapag sa nasabing barangay.

Dahil sa makipot umano ang mga kalsada at nakaharang na linya ng mga kureyente ay nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa eskinita at hindi agad na naapula ang apoy na lumalamon sa tahanan ng nabanggit na pulis.

Nabatid na hindi agad na nakalabas sa nasusunog na bahay ang misis at 15-anyos na anak ng pulis dahil gawa umano sa mga bakal ang bintana nito.

Dalawang senior citizen na nasa edad 64 at 75 ang napaulat na namatay din sa naturang sunog.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang pagkikilalan ng mga biktima at sanhi ng sunog na tumagal ng 30 minuto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?