33
views
ABANTE lacson senado chacha wala saysay
By

Misencounter ng mga pulis, sundalo hindi na dapat maulit – Lacson

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siguraduhing hindi na mauulit ang hindi sadyang engkuwentro ng kanilang mga tauhan sa Sta. Rita, Samar.

Anim na pulis ang napatay at siyam nilang kasamahan ang sugatan matapos ang misencounter sa mga sundalo na tumutugis sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nagsisiyasat na ang AFP-PNP investigation team sa insidente.

Ayon kay Lacson, hindi dapat sa sisihan mauwi ang imbestigasyon kundi sa pagsiguro na hindi na ito muling mangyayari.

“Precisely, a joint AFP-PNP investigation team is now formed to conduct the probe. Not so much to find fault as lapses in coordination should already be a foregone conclusion,” diin ng senador.

“The investigation therefore must focus on preventing any similar occurences in the future and in other areas where troops from different units are simultaneously operating against local rebels and secessionists,” dagdag nito.

Mariin namang kinondena ni Lacson ang misencounter ng mga pulis at sundalo.

“Aside from the meaningless loss of human lives, government resources have been unnecessarily wasted in the recruitment and training of the PNP personnel concerned,” ayon pa sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?