54
views

By

‘Misencounter’, inako ni Duterte para matigil ang sisihan – Roque

Sharing is caring!

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na matigil na ang sisihan sa “misencounter” ng mga pulis at sundalo sa Sta. Rita, Samar noong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang dahilan kaya inako na ng Pangulo ang responsibilidad sa nangyari.

“It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, the buck stops with him,” sabi ni Roque.

Anim na pulis ang napatay at siyam na iba pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga tauhan ng 87th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang mga pulis na kasapi ng 805th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 ng Philippine National Police (PNP).

Humahabol umano sa mga rebelde ang mga pulis sa Barangay San Roque nu’ng Hunyo 25 nang mapagkamalang kalaban ng mga sundalo na tinutugis din ang mga rebeldeng komunista.

Inako ng Pangulo ang responsibilidad matapos niyang bumisita sa burol ng mga pulis at sa ospital kung saan ginagamot ang mga sugatan.

Iniulat na nadismaya ang pamilya ng mga pulis dahil sinabi ng Pangulo na kalimutan na ang nangyari dahil hindi intensyon ng mga sundalo ang naging madugong sagupaan.

Ayon kay Roque, tinitiyak ngayon ng militar at pulisya na pagbubutihin na ang koordinasyon upang hindi maulit ang nangyari.

“It’s an unfortunate incident which should not happen again. Closer coordination can be expected between the AFP and the PNP in future ground combat operations,” pahayag ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?