9

Jul 21, 2021 @ 15:27
By

Misamis Oriental nanghihingi dagdag-bakuna

Humihingi ng dagdag-suplay ng bakuna ang lokal na pamahalaan ng Misamis Oriental dahil na rin sa pagtaas ng mga kaso ng COVID sa lalawigan.

“Nakikiusap kami at sumulat na kahit madagdagan na muna kahit 20,000 doses yung Misamis Oriental, hopefully it will help us contain and inoculate muna yung mga bayan na malapit sa city of Cagayan de Oro and yung Gingoog City po,” pahayag ni Governor Bambi Emano sa isang televised briefing.

Ang dalawang nabanggit na siyudad sa Misamis Oriental – ang Cagayan de Oro at Gingoog – ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang dulo ng Hulyo dahil sa pagtaas ng mga COVID cases dito.

Bukod sa pagtaas ng mga kaso ng virus sa probinsya ay napasok na rin ito ng isang kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID.

Kaya naman dagdag bakuna ang panawagan ni Emano mula sa pamahalaan.

“Hindi naman siguro mahina from the national point of view pero yung allocation ng Misamis Oriental ay sobrang kakaunti,” dagdag pa ng gobernador.

Sa ngayon ay may 355 aktibong kaso ng virus sa probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?