64

Nov 3, 2018 @ 14:17
By

Misa para kay Sister Fox, binaha ng luha

Naging emosyunal ang ilang tagasuporta at kaibigan ng Australyanong misyonaryo na si Sister Patricia Fox sa thanksgiving mass, ilang oras bago ang napipintong pag-alis nito sa bansa.

27 taong nanirahan si Fox sa bansa, na kilalang aktibo upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga magsasaka at maralitang Pilipino.

Isinagawa ang misa sa St. Joseph College Quezon City para sa kanyang umano’y “selfless service for the Filipino poor.”

Nakatakdang umalis ngayong gabi si Sr. Fox dahil sa nabasurang apela na mapalawig ang kanyang visa ng Bureau of Immigration, na umano ng batikos sa ilang miyembro ng relihiyosong sector at iba pang grupo.

Her being forced to leave the Philippines is a great injustice. The Duterte regime has treated her solidarity with the poor as something undesirable and criminal,” ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes.

Matatandaang inakusahan si Fox ng pagsali sa mga ‘political activity’ na bawal sa isang banyagang naninirahan sa ‘Pinas, ngunit nilinaw ng madre na parte ito ng kanyang adbokasiya bilang misyonaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?