9

Feb 17, 2021 @ 15:50
By

Miro Quimbo sa pagpapatupad ng MGCQ: Dapat dati pa

Naniniwala si dating Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo na napapanahon na para ilagay ang buong Pilipinas sa maluwag na modified general community quarantine (MGCQ).

Aniya, kailangan nang makabawi ang ekonomiya ng bansa na bumagsak dahil sa COVID-19 pandemic.

“Kailangan na talagang buksan ang ekonomiya,” lahad ni Quimbo sa ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

“Pag pumunta ka sa mall, bawat araw may nagsasara… At lahat karamihan diyan ay hindi kayamanang tao ‘yan, may mga trabahador, so we need to really reopen,” aniya pa.

Paliwanag ni Quimbo, alam na ng publiko kung paano paano ‘ikutan o sayawan’ ang virus para hindi na mahawa nito,

Aniya pa, dapat dati pa ay napag-aralan na ang pagpapatupad ng MGCQ.

Gayunpaman, tingin ni Quimbo ay dapat na manatili pa ring nakasara ang ilang industriya tulad ng sinehan dahil aniya, wala pang gusto na magtungo o manood sa loob ng sine.

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng general community quarantine ang NCR, Cordillera Administrative Region, Tacloban, Davao City, Davao del Norte, Lanao del Sur, Iligan at Batangas para sa buwan ng Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?