125

Jan 11, 2022 @ 19:56
By

Miriam Quiambao sapol ng COVID matapos pabakuna

Nagpositibo si Miss Universe 1999 1st Runner-Up Miriam Quiambao sa COVID-19.

Ayon sa kanyang asawang si Ardy Roberto, nag-positive si Miriam sa antigen test kit.

“Positive. But not pregnant this time. Covid naman ngayon,” aniya sa Instagram post.

Ani Ardy, unang nagpositibo ang yaya nila ngunit matapos mag-isolate ng pitong araw ay nag-negative rin ito sa COVID.

Samantala, isa o dalawang araw makalipas magpabakuna kontra COVID, nakaramdam umano ng mga sintomas si Miriam, na una nilang inakala na side effects lamang ng vaccine.

“@miriamq888 had symptoms a day or two after we had our Janssen jab, but we assumed it was side effect of the vaccine..

“Then a day or two after her symptoms appeared, I had symptoms… but thought it might just be regular flu… Miriam’s antigen test was negative, and then we tested a day later and she was positive na,” ani Ardy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?