36

Apr 20, 2021 @ 14:59
By

Miriam proud na pinasilip baby bump

Pinakita ng beauty queen na si Miriam Quiambao ang mga naging pagbabago sa kanyang katawan dulot ng pagbubuntis.

24 weeks na ang baby sa sinapupunan ng 1999 Miss Universe first runner-up, kulang apat na buwan na lang ay magiging kuya na ang kanilang panganay.

“My body is changing. Belly is getting bigger and bigger. I can feel baby getting so active in my belly with kicks, rolls and jumps! What a joy!” ayon kay Miriam.

Matatandaan na noong Marso kinumpirma ni Miriam, at kanyang asawa na si Ardy na nagdadalang-tao ang actress/host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?