91

Oct 18, 2017 @ 17:28

Miriam College, nag-panic sa bomba

Kinasela kanina ng isang kilalang kolehiyo sa Quezon City ang lahat ng kanilang klase at pasok sa trabaho kahapon (Oktubre 18) matapos na makatanggap ng bomb scare nitong Martes ng gabi.

Sa isang abiso ng administrasyon ng Miriam College, sinabi nitong nakatanggap sila ng bomb threat sa pamamagitan ng isang text message nitong gabi ng Oktubre 17 kaya’t nagpasya silang kanselahin muna ang pasok ng kanilang mga estudyante at mga empleyado.

Nilinaw nitong una nang nag-inspeksyon ang kanilang mga security staff at wala namang nakitang kahina-hinalang bagay ang mga ito.

Gayunman, nagpasya pa rin ang kolehiyo na huwag na lamang papasukin ang kanilang mga mag-aaral upang bigyang-daan ang mga pulis na masiyasat ata magalugad ang lahat ng kasuluk-sulukan ng campus at matiyak ang kaligtasan nito laban sa anumang pampasabog.

“The school received a bomb threat via a text message yesterday evening, October 17 (T). While security staff promptly conducted an inspection of the campus and found nothing suspicious, school management deems it necessary to suspend classed and work in all units today, October 18 (W),” abiso ng Miriam College sa Twitter account nito.

“Police authorities will undertake a more thorough inspection of the campus to ensure everyone’s safety,” dagdag pa nito. “Members of the community will be duly informed of their schedule to return to work/school.”

Matapos naman ang paneling at clearing operation na isinagawa ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) sa buong campus ay idineklara na itong ligtas mula sa anumang bomba.

Inabisuhan na rin ng Miriam College ang kanilang mga estudyante at mga empleyado na balik na sa normal ang kanilang pasok ngayong araw, Oktubre 19.

“The campus is declared safe. Classes and work in offices resume tomorrow, October 19 (Th),” batay sa teetwer ng school adminstration sa kanilang mga estudyante at empleyado.

Pinasalamatan rin nito ang QCPD dahil sa mabilis na pag-aksyon gayundin ang school community para sa kanilang kooperasyon. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?