2
views

By

Miranda primera sa Golden 21K

Sharing is caring!

Naupuan ni Judelyn Miranda ang pangalawang trono niya sa magkasunod na buwan nang pamayagpagan ang The 1st Virginia J. Perandos Golden Half-Marathon 2018 na nilatag sa Rizal Park grounds sa Carmen, Davao del Norte.

Sa pagprimera ng 33-anyos na administrative aide IV ng Information Technology Office sa City Government of Tagum, pinagkasya na lang niya sa segunda at tersera sa women’s division sina Emely Avergonzado at Palce April Curato.

Pinagreynahan noong Mayo 28 ni Miranda ang 23rd Jeju International Tourism Marathon Festival 2018 sa Gujwa Life Sports Park sa Jeju Island, South Korea.

Nag-1-2-3 sa men’s side sina Jimboy Lubay, Elsmike Novel Echalico at Dennis Labay sa event na naging bahagi ng ika-50 taong anibersaryo ng nasabing bayan sa naturang lalawigan.

May mga naging kompetisyon din sa 4-in-1 footrace na 10k, 5k at 3k. At ilan pa sa nanalo ang utol ni Avergonzado na si Vivian na ikalawa sa 10k female sa pagbuntot sa nanguna na si Andrea Vegia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?