606

Oct 23, 2021 @ 11:48
By

Miracle baby ni Assunta, 1 taon na!

Hindi makapaniwala si Assunta de Rossi na 1 year old na ang unica hija nila ng asawang si Jules Ledesma.

Sa Instagram, nag-post si Assunta ng throwback photo ng pagluha niya nang masilayan ang bagong panganak na si Baby Fiore.

“Aaaaaaah! Isang taon na ang himalaaaaa! Happy birthday fioringkingking!” caption ng aktres.

Noong nakaraang taon inanunsyo ni Assunta na matapos ang 16 taon nilang marriage ni Jules ay magkakaanak na sila.

Inilarawan niya ang kanyang pagbubuntis na isang himala dahil mayroon siyang myoma at endometriosis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?