37

Nov 13, 2020 @ 20:46
By

Minzy ng 2NE1 pinasok Pinoy showbiz

Paniguradong magbubunyi ang mga fan ng 2NE1 dahil isang member nito ang pumirma na sa Viva.

Sa tweet ng naturang talent agency, inanunsyo na kanila nang talent ang rapper ng naturang K-Pop girl group na si Minzy.

Dapat abangan ang kanyang bagong version ng ‘Lovely’ na tampok ang wikang Filipino.

Matatandaan na naging artista din ang member ng 2NE1 na si Sandara Park sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?