35

Mar 7, 2020 @ 15:54
By

Minuto ni Fajardo, pamumudmod ni Austria

Laro sa Linggo: (Smart Araneta Coliseum)

4:30pm — Leo Awards

Opening Ceremonies

7:30 pm — SMB vs. Magnolia

Walang June Mar Fajardo, babalatan ng San Miguel Beer ang kampanya sa six-peat sa lone game ng Philippine Cup pagkatapos ng Leo Awards at Opening Ceremonies sa opening day mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Buong 45th season nang mawawala ang 6-foot-10 slotman matapos operahan ang nabaling paa sa ensayo noong nakaraang buwan.

Hindi na bago sa Beermen na walang Fajardo sa lineup, ipinaalala ni coach Leo Austria na noong ‘Beeracle’ ng 2016 all-Filipino ay wala rin ang Cebuano sa first four games ng Finals pero umahon sila, nalubog sa 0-3 bago tinuhog ang apat na sunod na laro para agawin ang titulong abot-kamay na noon ng Alaska.

Gagawa ng adjustment si Austria, nitong offseason ay nag-experiment sa kanyang lineup para hanapan ng solusyon ang pagkawala ng reigning five-time MVP.

Si Mo Tautuaa ang main big ngayon ng SMB, may Billy Mamaril at Russel Escoto na nakaabang. At siyempre si Arwind Santos.

“His 35 minutes of playing time could be distributed to a lot of players,” ani Austria. “It will be a good opportunity for them to show how they can score to fill the gap in the offense that June Mar left.”

Hindi lang minuto ni June Mar ang ikakalat ni Austria. Hahanapan din niya ng paraan para mapunan ang averages na 20.6 points, 13.1 rebounds (conferece-best) at 1.7 blocks ni Fajardo sa Philippine Cup.

Tiwala ang eight-time champion coach sa kakayahan ng iba niyang gunner.

“Nobody could stop June Mar on single coverage, and he confuses opponents because they don’t know when to double or when to scatter back to shooters,” paliwanag niya. “But the good thing is, we have a lot of scorers.”

A lot, kina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Von Pessumal na handang pumutok kapag kailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?