4,258

Jun 25, 2021 @ 10:29
By

Minura, binastos si PNoy: Gadon tanggalin bilang abogado – mga netizen

Sinuka ng mga netizen si Atty. Larry Gadon matapos nitong magdiwang at nagkalat pa ng fake news tungkol sa pagpanaw ni dating Pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sa ‘Karambola’ ng DWIZ, minura ni Gadon ang dating Pangulo matapos nitong malaman na sumakabilang-buhay na si PNoy.

Maririnig pa ang ‘yehey’ ni Gadon nang makumpirma ang balita tungkol sa pagyao ng ika-15 Pangulo ng Pilipinas.

Hindi pa diyan natapos ang kawalang galang ni Gadon kay PNoy nang sabihin nito na mayroon daw HIV ang dating Pangulo, na umano’y narinig niya sa kanyang kaibigan.

Dito nagngitngit ang mga netizen at nais ma-disbar ang abogado dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.

Karamihan din ng netizen ang humirit na kasuhan si Gadon.

“Sobra ka GADON!!!!! NAPAKAHAYUP MO! MAY BALIK ANG KARMA SAYO. TANDAAN MO YAN,” giit ni @ChrisAquino00.

“May proof ka ba bukod sa sinabi ng friend mo? Sana makasuhan ka!” saad ni @chatzkee78.

“#DisbarGadon even if he apologizes,” sambit naman ni @DeeJayBee42.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?