174

Jan 1, 2018 @ 13:09
By

Mintis na paputok, huwag pulutin – DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pagsabihan ang mga anak na huwag daputin ang mga pumalyang mga paputok.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, maraming nadisgrasya dahil pumulot ng inakalang hindi na puputok at mayroon ding nalalason.

Isang halimbawa ang 13-anyos na lalaki na nasugatan ang kanang mata dahil nagsindi ng napulot na piccolo.

Sa mga nakalipas na taon, marami umano ang naitala na ganitong disgrasya kaya hanggang Enero 5 ang pagbilang ng DOH sa mga firecracker-related injuries.

Nagpaalala na rin si Tayag na maaring matetano dahil sa pulbura ng paputok at ito ay nakamamatay. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?