34

By

Minority leadership sa Kamara kinuwestiyon sa SC

Dinala na rin sa Korte Suprema ng People’s Minority, sa pangunguna ni Marikina Rep. Miro Quimbo, ang usapin ng minority leadership sa Kamara.

Sa inihaing Petition for Certiorari, Prohibition, and Mandamus, kinuwestyon ng grupo ang pagkilala kay Quezon Rep. Danilo Suarez bilang Minority Leader.

Iginiit nina Quimbo na taliwas ito sa rules ng Kamara at sa ruling ng korte sa Baguilat v. Alvarez’ case.

Hiniling ng grupo na utusan ng Supreme Court ang liderato ng mababang kapulungan na kilalanin si Quimbo bilang Minority Leader.

Tinukoy sa petisyon ang Section 8, Rule II ng Rules ng Kamara, kung saan nakasaad na ang mga miyembro na bumoto sa nanalong kandidato sa pagka-Speaker ang bubuo sa mayorya sa Kamara at ang mga bumoto para sa natalong kandidato at nag-abstain sa botohan ang magiging minorya.

“We are confident that we have an airtight case. It was very clear to any impartial observer that it took a monumental feat of mental gymnastics to justify the recognition of Rep. Suarez as Minority Leader despite simple and unambiguous House Rules,” ani Quimbo.

Matatandaang pagkatapos maluklok ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, nagkaroon ng agawan sa minority leadership aa pagitan ng grupo nina Quimbo, Suarez at paksyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?