13

By

Minority leadership, bakantehin na lang muna – Batocabe

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na ideklara na ring bakante ang posisyon sa pagka-minority leader para maresolba ang agawan sa posisyong ito.


Ayon kay Batocabe, kapag naideklarang bakante ang pagka-minority leader, saka naman dapat magbotohan ang mga kongresistang hindi bumoto para kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sila ang bubuo na ng minority bloc at pipili ng kanilang bagong lider.


Gayunman, iginiit ng kongresista ang posisyon na hangga’t maaari ay hindi na dapat pang palitan si Quezon Rep. Danilo Suarez bilang minority leader dahil hindi naman ito nadamay sa botohan.


Pero para kay Surigao del Norte Rep. Robert Barbers, wala na dapat sa minorya sina Suarez.


Sabi ni Barbers, malinaw naman sa rules na ang botohan sa speakership ang batayan sa hati ng mayorya at minorya dahil ang pumabor sa nanalong speaker ay kasapi na ng majority bloc.


“If you stick with tha rules those who voted for the winning Speaker are the majority, those who lose and abstain become the minority,”ani Barbers.

Umaasa na lamang ang mambabatas na mabilis na mareresolba ang isyu dahil kung hindi ay tiyak aniyang maaantala ang kanilang trabaho sa Kamara. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?