330
Mindoro, Negros host ng Palaro 2020, 2021
May 8, 2019 @ 16:55
By ,

Mindoro, Negros host ng Palaro 2020, 2021

Pinili ng Department of Education (DepEd) ang Occidental Mindoro at Negros Occidental bilang host ng 2020 at 2021 Palarong Pambansa.

Nagpasya ang Palaro Board, sa pangunguna ni DepEd Secretary at Palaro Board chair Leonor Briones, matapos ang pagsusuri ng mga miyembro nito sa bid at pagtalakay sa technical inspection reports ng Occidental Mindoro, Negros Occidental at ila pang LGUs, gaya ng Marikina City at Puerto Princesa City para sa 2020 at Capiz para sa 2021.

Ang technical inspection reports ay base sa inspection at validation na ginawa ng DepEd team sa pangunguna ni DepEd undersecretary and Palarong Pambansa Secretary-General Revsee Escobedo at pinakita kay Bureau of Learner Support Services (BLSS) Director Rizalino Jose Rosales.

Sa ilalim ng Palarong Pambansa Resolution No. 2019-002, pinagbasehan ng board ang polisyang nakatakda sa R. A. No. 10588 sa pagpili ng lungsod na pagdadausan ng taunang Palaro, may tatlong taon bago ito magsimulang sumipa.

Ito ay upang mabigyan ng panahon ang nanalong host para ihanda ang mga pasilidad nito at mga lugar na tutuluyan ng lahat at mabigyan ng budget sa annual appropriation.

Ang hosting ng Palarong Pambansa ay nangagaling sa bidding at ginagabayan ng prinsipyo ng “Luzon-Visayas-Mindanao” rotation. Ang members ng Palaro Board ay sinusuri ang bids base sa sports venue (40%), billeting area (30%) at iba pang konsiderasyon (30%) gaya ng peace and order, kakayahan na ma-promote ang socio-economic at kultura ng LGU at ang kusang loob ng LGU na isaayos ang sports at billeting areas nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?