14

Sep 4, 2020 @ 0:25
By

Mindoro humakot ng mga coach

Pang malakasang recruit!

Kung ang ibang koponan ay kumukuha ng manlalaro upang mapalakas ang koponan, ibahin ang Mindoro Tamaraws na naghakot ng coaching staff bilang paghahanda sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2020-21.

Nagtungo sa Tamaraws si former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach Joe Silva na humawak dati sa University of the East Red Warriors.

Umanib sa Mindoro sina Marvin Bienvenida at Joel Cagulangan ng La Salle Greenhills.

Magiging magandang pagkakataon naman ito para kay team owner/ coach Justin Tan para sa rebuilding ng team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?