41

May 10, 2020 @ 18:59
By

Mindanao unang sasapulin ng bagyo ngayong taon — PAGASA

Ang Mindanao ang kauna-unahang tatamaan ng bagyo ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Adminstration (PAGASA) nitong Linggo.

Sa huling weather bulletin nitong alas-dos ng hapon, namataan ang low pressure area (LPA) sa Silangang bahagi ng Mindanao at mabubuo bilang tropical depression. Ito ay papangalanang ‘Ambo’.

Sa forecast, si Ambo ay magdadala ng bahagyang kalat-kalat hanggang malakas na pag-ulan sa mga rehiyon ng Caraga, Davao, at SOCCSKSARGEN.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente na maging alerto at handa sa posibleng pagkakaroon ng biglaang pagbaha at landslides.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?