240
lindol-earthquake
Jan 16, 2019 @ 21:51

Mindanao niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Isang 5.7 magnitude na lindol ang tumama sa Davao Region nitong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-6:49 ng gabi naitala ang lindol sa layong 446 kilometro ng southeast ng Sarangani.

May lalim itong 48 kilometro.

Wala namang nairekord na pinsala o namatay dahil dito.

Bago nito, niyanig na ng magnitude 6 na lindol ang Mindanao dakong alas-4:03 ng madaling-araw ngayong Miyerkoles. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?