21

Jun 13, 2021 @ 15:06
By

Mindanao leg ng VisMin Cup, bubuksan sa Hunyo 22

Tangka ng mga tagapangasiwa ng Pilipinas VisMin Super Cup na sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ganapin ang Mindarano leg ng nasabing liga.

Ayon kay Rocky Chan, chief operating officer ng liga, sa Hunyo 22 nila balak simulan ang Mindanao leg.

“Hopefully, everything goes well, then we will kick off on June 22 for our Mindanao leg of the Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup,” wika ni Chan nitong Sabado.

Unang itinakda ang pagsisimula ng liga noong Mayo 17 ngunit dahil sa kontrobersiya sa Visayas leg ng liga ay hindi muna ito pinayagan ng Games and Amusements Board (GAB).

Matatandaang nabalot ng kontrobersiyal na game-fixing issue ang laro sa pagitan ng Siquijor at Lapu-Lapu City noong Visayas leg.

Samantala, dagdag pa ni Chan, na siyam na koponan na ang nakatakdang sumali sa Mindanao leg.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?