23

Jun 16, 2021 @ 9:27
By

Mindanao ‘di mapag-iiwanan sa bakuna – Galvez

Siniguro ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mabibigyan ng COVID-19 vaccine ang Mindanao kapag nagkaroon na ng sapat na supply ang bansa.

“The National Task Force against COVID-19 would like to assure our honorable members of the Congress that we will not neglect the regions, especially those in Mindanao, in our vaccine deployment,” ayon kay Galvez.

“Following President Rodrigo Duterte’s directive to deploy more vaccines to the regions, we will immediately send more vaccines in Mindanao as soon as the rest of the deliveries arrive this month,” aniya pa.

Ang pahayag ni Galvez ay kasunod ng naging patama ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa tatlong opisyal ng gobyerno dahil tila nababalewala umano ang Visayas at Mindanao sa COVID-19 supply, at tanging sa Metro Manila lang daw ang pokus.

Ayon naman kay Galvez, malapit sa kanyang puso ang Mindanao at nangangako siyang magkakaroon na ng dagdag na supply ng bakuna ang naturang rehiyon.

“I offer my sincerest condolences to the families of those who have lost their loved ones to this deadly disease. Mindanao is close to my heart, as I was stationed there for many years as a soldier,” wika ng vaccine czar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?